Sabado, Hulyo 21, 2012

MAI KO

Sa di iniaasahang pagkakataon ng maging parte kayo ng  buhay ko. At naging masaya ako ng dumating kayo sa buhay ko. Mas lalo akong sumaya nang nalaman kong ikaw na ang dahilan kong bakit ko pinili makasama kayo. Hindi ko alam nahuhulog na pala ang loob ko sayo. May mga pangyayari noon sa bonding natin na para bang ikaw na ang dahilan kong bakit aq masaya kahit na mas napapatawa ako nin Onin, pero ikaw, IKAW !, ewan ko ba. Bigla na lang ! na nasabi ko sa BBF  ko na may gusto na ako sayo.- na para bang ikaw na yung nagiging dahilan kung bakit willing na willing akong maglaro ng table tennis, na para bang okay lang na kahit 11 pm na ako makauwi  basta lang makasama kita. Ikaw din yung naging inspirasyon ko kung bakit nagporsige akong manalo sa REGIONAL SCUAA. oh ! bongga. Hindi ko alam kung bakit sinusulat ko to ngayon, siguro para gumaan din yung utak ko kakaisip sayo. Grabe ah! ilang buwan din akong tuliro kakaisip sayo . Pero salamat mai, thanks for the time, friendship, laughter, and appreciation. Pero naisip ko din syempre yung mga low points nang kung ano ba talaga ako sayo. Nang dumating sa point na narealize ko na kaibigan lang pala at sister ako sayo eh! siyempre nag tone down din ako kasi may mga panahon na na nasasabi ko na  at naiisip ko ang dalawang bagay na ito "MAHAL NA ATA KITA" o "MAHAL NA NGA BA KITA?". yan, unfair naman kung ako lang ang may ganitong pagtingin di ba, but since I'm a friend to you at may time ka parin na inilalaan sakin to inform me about what's happening to your to your life, siguro yun na lang ang kailangan kung i-value. Kasi may isang taong nagsabi sakin, na baka kailangan kong tanggapin na hindi nga ikaw yung taong iniisip ko para sa akin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento